Posts

Showing posts from 2012

Pakialamera kase eh :(

Image
Ganito kase yun eh.... Nakigamit ako ng laptop ng boyfriend ko.. Punta ako sa facebook,ngunit sa hindi ko intensyon panyayare, nakaopen pala facebook niya, napatigil ako bigla...kase hindi kami nagpapalitan ng password sa facebook kahit sa email, hindi kami tulad ng ibang magbf, dati ganon kami,pero para walang gulo or walang masaktan, binago namen ang set-up,bawal buksan ang fb or email ng bawat isa,private daw yun eh...personal kumbaga. So balik na tayo sa kwento ko,naka-open nga facebook niya,at napatigil ako, napaisip kung ilolog-out ko ba or ichcheck ko ba before ko ilog-out (in short,papakealaman ko ba) without thinking na baka masaktan ako... Ayun...ngaaaah-ngah! Nasaktan nga ako! hehe basag!. Kwento ko pa ba kun bakit? Sige.. masakit eh,ganito yun eh, ang sakit lang isipin, one week pa lang ako mula ng dumating from Dubai (20days vacation). Tapos ayun, si gaga, nakialam ng fb account ng boyfriend (wala tlga sa intensyon ko makialam,nakabukas kase eh...natukso lng akong tingn...

BAD OR GOOD OFFER?

Minsan,susubukan ka ng mga tao sa paligid mo..bibigyan ka nila ng isang choice na kapag tinanggap mo,maraming pwedeng magbago,kapag hindi mo naman tinanggap at binalewala mo,walang magbabago. Kailangan mong tingnan kung saan ka magiging komportable. Kanina, kinausap ako ng isa sa mga competitor,sabihin na nating client na din. Hindi tungkol sa business or eklavu, hindi ko maintindihan kung gaano siya kadesperabo para yayain ako lumabas pero hindi ako pumayag,hanggang sa nagpunta na siya dito sa office. Unang bungad niya patungo sa table ko,halata ko sa itsura niya na nagiisip na siya ng sasabihin. Hindi naman ako negative na tao, pero depende kase yan sa intensyon,mapapaisip ka minsan,bakit naman siya magpupumilit na makausap ka samantalang ang dami dami naman niyang pwedeng kausapin. Hanggang sa binigyan ko siya ng chance na makipagsales talk na din kung pano niya ibebenta sakin ang offer niyang imposible. Mega explain siya ng tungkol sa company nila, na ang product...

Tumitimbang...na Robot! :)

Nakaupo sa upuan, nakatitig sa monitor...naglalakbay sa napakalayo ang utak ko, hindi ko na alam kung nasaang banda na. Tumitimbang..tinitimbang ko kung saan ba dapat ako magiging masaya.  Sa susunod na buwan, nasa panibangong taon na naman ako ng aking buhay, 24 na ako next month,akalain mong buong edad ko s taong 23 ay inilagi ko dito sa Dubai. Isang taon na din ang nakalipas, naalala ko pa noong nasa Kish,Iran ako at naghihintay ng aking visa pabalik ng Dubai, sa tuwing malalaman ng kababayan ko na 22 ako at magtu-23, halos parehas na parehas ang mga pagsabi nilang "Ang bata-bata mo pa para mag-abroad,dapat sa mga oras na ito,nageenjoy ka".."Ang bata mo pa para makipagsapalaran." Ngayon ko lang naisip ang mga salitang sinabi nila, isang taon na ang nakalipas,nararamdaman ko na ang sakit at pagod, ngunit kailangan kong kumilos, kung hindi,maiiwan ako...Dahil bago naman ako umalis ng Pilipinas noon,at nagresign sa trabaho,sinabi din sa akin ito ng Presidente n...