Pakialamera kase eh :(

Ganito kase yun eh....
Nakigamit ako ng laptop ng boyfriend ko..Punta ako sa facebook,ngunit sa hindi ko intensyon panyayare, nakaopen pala facebook niya,napatigil ako bigla...kase hindi kami nagpapalitan ng password sa facebook kahit sa email,hindi kami tulad ng ibang magbf, dati ganon kami,pero para walang gulo or walang masaktan, binago namen ang set-up,bawal buksan ang fb or email ng bawat isa,private daw yun eh...personal kumbaga.So balik na tayo sa kwento ko,naka-open nga facebook niya,at napatigil ako, napaisip kung ilolog-out ko ba or ichcheck ko ba before ko ilog-out (in short,papakealaman ko ba) without thinking na baka masaktan ako...Ayun...ngaaaah-ngah! Nasaktan nga ako! hehe basag!. Kwento ko pa ba kun bakit? Sige.. masakit eh,ganito yun eh, ang sakit lang isipin, one week pa lang ako mula ng dumating from Dubai (20days vacation). Tapos ayun, si gaga, nakialam ng fb account ng boyfriend (wala tlga sa intensyon ko makialam,nakabukas kase eh...natukso lng akong tingnan :( Tapos yun na, nagbasa-basa ng private message niya. Marami siya nakakapalitan ng message/chat, yun iba hindi ko kilala, yun iba kaklase lang namen dati or common friend, yun iba hindi pa kami magbf nilalandi na siya dati...ang masakit dun, siya na lumalandi sa message sa mga yun, siya yung nagbibigay ng banat, nagiinvite na makipagkita, nagpapakitang gilas sa chat na. Ang sakit lang +@$8&! talaga! Pakiramdam ko, pinagtatawanan ako ng mga babaeng nilandi niya sa chat, buti sana kung hindi ko sila kilala, samantalang halos lahat sila kilala ko, at kilala din ako, kilala ang relationship namen,isa pa babae din ako. Sakit! putang ina! Alam ko yun, may mga lumalandi din saken, at kapag ang lalakeng lumalandi saken ay may gf na, napapatanong ako minsan, hindi ba kontento ang lalakeng yun? mahal ba niya ang gf niya? mga ganon tanong...Oo chat lang yun, pero sana bigyan pa din ng delikadesa..lalo na kung may taong magmumukhang tanga! may taong masasaktan, at may relationship kayong iniingatan.Naging doble pa yung sakit, nung may nabasa ako message niya dun sa classmate niya, eto yun eh,usapang gift for Christmas:



Bf: tao? bf!

Gurl: uu..pero hndi p now..' in gods perfct tym p,,hehehe 
kaw..anu b gusto m gift????

Bf: tao na din. companion 

Gurl: hahaha..hndi m n yan need..madami kn nian..besyds my gf k nman n..hndi m yan nid p,,u juz hav to be contntd and satisfyd nlng to gods gift sau,.'  value mnlng evrythng,.'

Bf: nasa abroad si gf eh. yung companion na makakasama sa mga simpleng lakad, malling, shopping, food trip
  • movie marathon


    Gurl: Ah ok..
    bestfrend wla kb nun???

    Bf: meron. pero msy kanya kanya kaming buhay...hahah

    Gurl: ah..e anu tlg gusto m??? chaperon??? shulalay???hahaha hirap nman ng gusto m??? anu b yan girl o boy???hahaha

    Bf: kahit ano. pero maganda girl kasi iba pag ganun. pwd matanong at makausap nang matino. hahah.

    Gurl: tsktsktsk i prefer boy for you..hahaha hndi kc mgnda f gurl ang i- wish m..prang awkward nman yta n babae ang lague m ksksma..wawa nman c gurl pg ngkataon..hehehe knowing n my gf k..hnd mgnda tgnan un nuh,.' boy nlng ang pag-pray ntn n companion mu,.hehehe (me: gusto ko sagot mo gurl, salamat kunsino ka man!)

    Bf: tingin ng ibang tao yun. hahah. yung girl na one of the boys gusto ko. tropa lang, walang malisya. (me: bobo! walang ganon, madamdamin ang mga babae, kahit sinabi mong walang malisya, basta naging attach ka, mahuhuloh at mahuhulog sayo! Stupid!  :( ) 

    Gurl: ah..ung boyish..cgecge mgnda din yun,,hahaha (me: okay na yun kanina eh, pinatulan mo lang siya sa huli)

    Pagkabasa ko ng chat na to, pakiramdam ko maiiyak ako na, pero pinigilan ko. Ayoko umiyak..nasabi ko lang " PAKIALAMERA KA KASE EH!"  pero naiyak pa rin ako..hindi dahil masakit, naiyak ako kase natakot ako..natatakot ako sa gift na gusto niya...which is may possibility na mangyare ang gusto niya kung gugusstuhin niya at kung may babaeng papayag sa gusto niyang set-up....at sa huli, alam ko ang ending...mahuhulog si gurl, mahuhulog din ang bf ko kay gurl kahit na sabihin na mahal niya ako, mahal niya ako pero kulang. Naintindihan ko ng konti,malayo ako eh, isang taon pa bago kami magkita ulet. At kapag nangyari yun, alam kong masasaktan ako...at mapapagod ako (mahina ako eh,mahina ako lalo na kung ang dahilan ay bf ko mismo ang gagawa ng dahilan para iwanan ko siya o ipagpalit niya ako), hanggang sa mauuwi lang sawala ang relationship, 6 years or 7years mauuwi lang sa wala. Mali magisip ng future na negative, pero just in case mangyari eto, dahil naiisip na din nya ang mga ganon bagay, mulat ako....handa akong harapin kun anu pwede mangyari kahit na alam kong hindi ko siguro makakayanan.

    Ayoko i-open sa bf ko to, kaya dito ko na lang ibubuhos, gusto ko, darating ang araw na kapag naging maayos na ang lahat at nalampasan namen ang long distance relationship at hindi niya ginawa etong kalokohan na gift na gusto nyang eto, saka namen mapapatunayan kun mahal talaga namen ang isa't isan, ang relationship na meron kami.

    At kung hindi naman mangyari yun, at ginawa nga niya, handa akong masaktan, atleast sa huli...alam ko sa sarili ko na sinusubukan ako...ng love o ng tadhana, kailangan kong maging matapang, para sa sarili ko kun mangyare man eto,   para sa nararapat at karapatdapat.

    Dalawa lang naman yan eh...sa huli, malalaman natin kung anu ang dapat, hindi yung akala mo okay ang lahat...yun pala, isang napakalaking akala lang..at sa huli..maiiwan kang magisa..atleast alam mong hindi ka gumawa ng ikakasira ninyong dalawa..natuto kang maging malakas, kahit na magisa ka, hindi ka dumedepende sa iba o dedepende sakanya. Dumedepende ka sa sarili mong pagmamahal sakanya.

    Nakakatakot, natatakot ako na balang araw, ipagpapalit noya ako at susuko siya sa stage ng relationship na meron kami..natatakot ako.. :(


    Shanel

Comments

Popular posts from this blog

BAD OR GOOD OFFER?

Paunang Sipi sa aking unang Talaarawan(Diary)

Tumitimbang...na Robot! :)