Tumitimbang...na Robot! :)
Nakaupo sa upuan, nakatitig sa monitor...naglalakbay sa napakalayo ang utak ko, hindi ko na alam kung nasaang banda na. Tumitimbang..tinitimbang ko kung saan ba dapat ako magiging masaya.
Sa susunod na buwan, nasa panibangong taon na naman ako ng aking buhay, 24 na ako next month,akalain mong buong edad ko s taong 23 ay inilagi ko dito sa Dubai. Isang taon na din ang nakalipas, naalala ko pa noong nasa Kish,Iran ako at naghihintay ng aking visa pabalik ng Dubai, sa tuwing malalaman ng kababayan ko na 22 ako at magtu-23, halos parehas na parehas ang mga pagsabi nilang "Ang bata-bata mo pa para mag-abroad,dapat sa mga oras na ito,nageenjoy ka".."Ang bata mo pa para makipagsapalaran."
Ngayon ko lang naisip ang mga salitang sinabi nila, isang taon na ang nakalipas,nararamdaman ko na ang sakit at pagod, ngunit kailangan kong kumilos, kung hindi,maiiwan ako...Dahil bago naman ako umalis ng Pilipinas noon,at nagresign sa trabaho,sinabi din sa akin ito ng Presidente ng kompanya namin,itinatago ko siya sa Pangalan,Ma'am Tess...ang sabi niya,"Ang bata-bata mo pa, sigurado ka na ba sa desisyon mo?,hindi ganon kadali ang magpunta sa abroad."...Matagal ako bago nakasagot, pero sumagot pa din ako "Sigurado na po Ma'am."
Akala noong una, kaya ko naman,lalo pa at para naman ito sa pamilya ko (motto nating mga OFW,pagkat iyon naman talaga ang dahilan). Ngunit habang tumatagal, unti-unti ko nang nararamdaman ang lungkot at pagkakalito. Tinitimbang ko ang buhay ko sa iba, sa tuwing makakarining ako ng kwento ng kapwa ko kababayan sa mga karanasan nila sa trabaho,sinasabi ko sa sarili ko,"maswerte pa din ako,kahit nagtitiis ako,maswerte pa din ako".
Hanggang sa nakalipas na ang isang taon, isang taon na para akong nabubuhay na parang robot. Gigising,babangon,maliligo,kakain,papasok sa trabaho,pag uwi,magluluto,matutulog,gigising...paulit-ulit, automatic yun araw-araw, nagiging normal na tao lang ako pag natanggap ko na ang sahod ko na halos dalawang linggong late bago ko matanngap sa atm ko.
Nagiging normal na tao ako dahil walang pagkalagyan ang saya ko sa tuwing maririnig ko si Nanay, "Neng,natanggap ko na ang padala mo,makakapagpatherapy na ako ulet,salamat." At sa bunso kong pinapagaral ko pa "Ate,salamat sa padala mo na pangtuition at pangallowance ko."
Alam ko na hindi din sapat ang naipapadala ko dahil sa dami ng gastusin,at kailangan pagkasyahin pa iyon nila...kaya,sige..kailangan ko pa din kumayod at timbangin ang nararamdaman ko.
Nanggaling ako sa pamilyang nagdidil-dil ng asin,at naguulam ng gata ng niyog. Tinitipid ang sabon. Hanggang na naging maluwag kami sa buhay,pagkagraduate ng ate kong Accountant at Kuya ko na Civil Engr,lahat kami ay nakapagaral ng maayos,at nakatapos, sabi nga ng Tatay at Nanay ko,kami daw ang kayamanan nila. Masarap iyon marinig mula sa mga magulang. Ito din ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay dito sa UAE na parang robot, dahil ayaw kong dumating araw na babalik muli kami sa hirap.
Babalikan ko ang sinasabi nila na "Ang bata-bata mo pa para mag-abroad."
Tama, ang bata ko pa, dapat sa mga oras na ito ay kasama ko ang aking boyfriend,marahil ay nagdidate kami pagkagaling ko sa opisina katulad ng dati niyang ginagawa, hihintayin niya ako sa may Trinoma,dahil galing siya ng Valenzuela o bulacan at ako naman ay nagttrabaho sa may congressional. O kaya naman, ay kasama ko ang aking mga friendships! Manonood kami ng pyro o di kaya'y magmamarket-market. O kaya naman,uuwi ako sa probinsya para makapagbakasyon sa tuwing may holiday,nakakasama ko ang aking pamilya,sa Pasko, Bagong taon, birthday ni Nanay,ni Tatay..ni ping,ni kuya, binyag,kasal atbp. Napakalaya ng buhay....napakasimple ng buhay ko pala noon. Ang gaan-gaan...
Dito naman ako sa ngayon,susubukan kong timbangin. Andito lang ako ngayon sa monitor,bago ako umuwi mamaya, dadaan ako Kay Papa God para magsimba. Pagkatapos,tulad ng nabanggit ko kanina,para akong robot,automatic araw-araw. Paminsan-minsa, binibigyan naman ako ng kapatid kong maging masaya, kakain kami sa labas, manonood ng sine, mamasyal, mamamangha ako sa mga nakikita ko, kaso......pagkatapos noon,mararamdaman ko na mabilis lang..panandaliang saya kumbaga. Dahil sa tuwing kakain ako ng masarap,iisipin ko na,anu kaya ang ulam nila nanay?. sabay babawi ako na, "ipagluluto ko sila ng ganito paguwi ko". Sa tuwing makakakita o makakapunta kami ng kapatid ko sa magagandang lugar dito sa UAE, sasabihin ng ate ko "Sana madala natin dito sila nanay." Hay....sa kabila ng saya,ang utak at isip at kasiyahan ay nauuwi sa pagiisip ko,o pagiisip namen sa mga naiwan namen sa Pilipinas.. Sa buhay puso naman, minsan nalulungkot din ako sa tuwing makakakita ako ng magboyfriend, HHWW,:) Hay....ang sweet nila! At bigla kong mamimimiss ang aking boyfriend na naiwan ko sa Pilipinas. Hays,ang bigat sa pakiramdam..
Ayoko magisip ng kabigatan..pero halos araw-araw,nararamdaman ko ang bigat, lalo pa at nalalapit na akong umuwi,para magbakasyon ng 20days (na dapat ay 30days,at halos pagalitan pa ako ng bonggang bonggah bago ako payagan). Mabigat dahil sa kabila ng lahat ng hirap, pakiramdam ko nakakulong ako,dahil paguwi ko,babalik at babalik pa din akong walang hindi. 20 days akong magiging malaya at magiging normal na tao.
Ayoko sisihin ang pagiging OFW ko sa malungkot na buhay o mabigat na sandali ng buhay ko, hindi ko sinisisi ang pagiging OFW ko, nilalabas ko lang ang bigat. At sa tagal ng panahon, alam ko na masasanay din ako at matututo pa ng napakaraming bagay. Gusto kong maging matapang, kaya heto...sisikapin ko pang magtrabaho, maging robot :) Automatic! Dahil alam kong may katapusan din ito, at gagawin ko pa ang lahat para makipagsapalaran. Hindi ako magsasawang umasa at gumalaw na balang araw, babalik ako sa pagiging normal na tao. Dahil alam kong araw-araw kasama ko si Papa God at mga mahal ko sa buhay na kahit malayo sila, ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin.
PS.,isang taon na lang at matatapos na ang aking kontrata ko dito sa Dubai, sabi nga ng boyfriend ko,"Mabilis lang"sana..pagdating ng araw na 'yon, tatawanan ko na lamang mga bigat na ito na tinimbang ko at muli kong da-damhin ang gaan ng kahapon kasama ang mga mahal ko sa buhay. <3 <3 <3
Shanel :)

Napa-isip akong bigla sa iyong tinuran? Ilang taon nga ba ang nararapat upang maging handa ang isang Filipino para harapin ang hamon ng pagiging isang OFW? Nakakalungkot, subalit dala ng pangangailangan't hatid ng kahirapan may mga OFW na piki't matang sinuong ang walang kasiguruhan ng pangingibang bayan. Pananampalataya sa Dyos, pansariling lakas ng loob at maayos na kalusugan at pagmamahal mula sa iyong pamilya ang magbibigay ningas sa iyong pagnanasa na maabot an iyong mga pangarap. Bilib ako sa iyong determinasyon bilang OFW at kakanyahan sa paglikha ng blog.
ReplyDeleteSalamat po sayong oras dito sa blog kong ito, masasagot ko po ang tanong na yan,batay sa sarili kong karanasan sa ngayon,malamang ay kahit sino naman ay handa,ngunit hindi rin natin masabi kung kelan ba yun, yung handa kang walang alinlangan o buo ang loob...ang mahalaga siguro ay ang iyong tinuran na "Pananampalataya sa Dyos, pansariling lakas ng loob at maayos na kalusugan at pagmamahal mula sa iyong pamilya ang magbibigay ningas sa iyong pagnanasa na maabot an iyong mga pangarap." para masabi mong handa kahit nasa ilang taon ka man ng iyong buhay.
ReplyDelete