Posts

Showing posts from January, 2012

Tumitimbang...na Robot! :)

Nakaupo sa upuan, nakatitig sa monitor...naglalakbay sa napakalayo ang utak ko, hindi ko na alam kung nasaang banda na. Tumitimbang..tinitimbang ko kung saan ba dapat ako magiging masaya.  Sa susunod na buwan, nasa panibangong taon na naman ako ng aking buhay, 24 na ako next month,akalain mong buong edad ko s taong 23 ay inilagi ko dito sa Dubai. Isang taon na din ang nakalipas, naalala ko pa noong nasa Kish,Iran ako at naghihintay ng aking visa pabalik ng Dubai, sa tuwing malalaman ng kababayan ko na 22 ako at magtu-23, halos parehas na parehas ang mga pagsabi nilang "Ang bata-bata mo pa para mag-abroad,dapat sa mga oras na ito,nageenjoy ka".."Ang bata mo pa para makipagsapalaran." Ngayon ko lang naisip ang mga salitang sinabi nila, isang taon na ang nakalipas,nararamdaman ko na ang sakit at pagod, ngunit kailangan kong kumilos, kung hindi,maiiwan ako...Dahil bago naman ako umalis ng Pilipinas noon,at nagresign sa trabaho,sinabi din sa akin ito ng Presidente n