BAD OR GOOD OFFER?

Minsan,susubukan ka ng mga tao sa paligid mo..bibigyan ka nila ng isang choice na kapag tinanggap mo,maraming pwedeng magbago,kapag hindi mo naman tinanggap at binalewala mo,walang magbabago. Kailangan mong tingnan kung saan ka magiging komportable.

Kanina, kinausap ako ng isa sa mga competitor,sabihin na nating client na din. Hindi tungkol sa business or eklavu, hindi ko maintindihan kung gaano siya kadesperabo para yayain ako lumabas pero hindi ako pumayag,hanggang sa nagpunta na siya dito sa office.

Unang bungad niya patungo sa table ko,halata ko sa itsura niya na nagiisip na siya ng sasabihin. Hindi naman ako negative na tao, pero depende kase yan sa intensyon,mapapaisip ka minsan,bakit naman siya magpupumilit na makausap ka samantalang ang dami dami naman niyang pwedeng kausapin. Hanggang sa binigyan ko siya ng chance na makipagsales talk na din kung pano niya ibebenta sakin ang offer niyang imposible.

Mega explain siya ng tungkol sa company nila, na ang products nila from UK, "HACH brand". Familiar ako sa HACH, nakapaghandle na ako ng mga HACH instruments at reagents,alam ko ang operation,alam ko ang purpose...from Spectrometer to simple pocket ph meter,blah blah blah..kaya medyo nabingi din ako sa pinagsasabi niya pero, dahil low profile lang ako na tao, hinayaan ko siya,sabi nga "be like an idiot". Pagkatapos, saka niya sinabi na kailangan nila ako bilang isa sa mga sales nila, bibigyan nila ako ng driving license,ng magandang offer. Tapos pinakita niya pa saken yung mga purchase order niya, isang purchase order lang yung at Oo nanliit ako,kase isang PO niya, kalahati lang ng Monthly sale ko. Pero napaisip ako...saka ko sinabi sa kanya na,masyado naman kaseng mahal ang mga products mo, compare mo naman sa akin, kahit studyante sa school na gumagawa ng project kayang bilhin ang product ko,sagot naman niya na isang PO lang daw niya, pwede na siya magpahinga ng isang buwan. "Haller??? anu ka boss?"

Anyway,balik tayo sa offer,mega pilit siya kung tatanggapin ko ba na lumipat sa kanila. "Eh bakit mo naman ba kase ako gustong lumipat sa inyo? anu ako CD? pipiratahin?". Sa bawat bagay na ibinibigay sayo ng isang tao,may mga dahilan..isang positive,isang negative, at choice mo kung saang part ka magfofocus kase sa desisyon na pipiliin mo,may part din sayo na positive at negative kung tatanggapin mo ang offer niya. Pero minsan, mapapaisip ka talaga, hindi kaya sinusubukan lang niya ako? Bakit naman niya ako bebentahan ng magandang opportunity kung hindi siya magbebenifit dun?

Mabilis din naman ako nakasagot, na hindi ako lilipat, gusto kong umalis sa kompanya ng maayos, ayoko na ulitin yung ginawa ko sa P & G at Forza Kemika (hehe!), alis ng alis..Gusto ko maging fair, pero echoz lang yan! Hindi talaga convincing yung offer niya, malaki ang sahod, doble ng sahod ko ngayon, provided pa ang driving license. Malalaking sales ang pwede mong makuha. Pero kung ikukumpara ko sa trabaho ko, sisiw...sisiw dahil hindi naman kalakihan ang sahod ko,pero wala naman kapressure pressure,nakakachallenge dahil may opportunity ako na makipagcompete sa mga sale nila, nakakapagsale ako ng walang inaalalang target...nakakahit ako sa above ng ine-expect ko,which is maganda ang epekto minsan dahil nakakatanggap ako compliment galing sa boss ko at may dagdag cash ako ng konti (meaning,naappreciate nila ang effort mo). Hinahatid sundo ako sa trabaho, walang kapressure pressure na magddrive ako pauwi,nakakauwi ako ng maaga,walang kapawis pawis!

3 years old pa lang ang MAS Scientific,at naguumpisa na siya maglakad ng dumating ako, ang sabi nga ng boss ko, habang nakikita namen ang pagincrease ng sales, natututo na daw tumakbo ang MAS simula ng dumating ako. Kaya may dahilan kung bakit pinipilit ko pa din maging bahagi parte ng kompanya, at may magandang dahilan kung hindi ko tinanggap ang offer nila..hindi dahil nagiisip ako ng negative tungkol sa offer niya, ito ay dahil na sa mundo ako ngayon ng pagbebenta, at ang pagbebenta ay isang sugal...ayoko sumugal sa mga bagay na hindi ako sigurado sa intensiyon nila,dahil kusa nila yung nilalapit at hindi ko ini-expect o hinihingi. Masaya ako sa kun anuman ang meron ako ngayon, kahit minsan sumasakit ang ulo ko, hehe, o kumukulot ang buhok ko sa topak ng boss ko, o namimiss ko ang laboratory, o nasasawa ako sa kakadakdak o kakatype maghapon ng lab. reagents, glassware, equipment.

NOTE TO SELF: TRY TO SEE THE GOOD IN EVERY BAD.

Comments

Popular posts from this blog

Tumitimbang...na Robot! :)

Pakialamera kase eh :(