BAD OR GOOD OFFER?
Minsan,susubukan ka ng mga tao sa paligid mo..bibigyan ka nila ng isang choice na kapag tinanggap mo,maraming pwedeng magbago,kapag hindi mo naman tinanggap at binalewala mo,walang magbabago. Kailangan mong tingnan kung saan ka magiging komportable. Kanina, kinausap ako ng isa sa mga competitor,sabihin na nating client na din. Hindi tungkol sa business or eklavu, hindi ko maintindihan kung gaano siya kadesperabo para yayain ako lumabas pero hindi ako pumayag,hanggang sa nagpunta na siya dito sa office. Unang bungad niya patungo sa table ko,halata ko sa itsura niya na nagiisip na siya ng sasabihin. Hindi naman ako negative na tao, pero depende kase yan sa intensyon,mapapaisip ka minsan,bakit naman siya magpupumilit na makausap ka samantalang ang dami dami naman niyang pwedeng kausapin. Hanggang sa binigyan ko siya ng chance na makipagsales talk na din kung pano niya ibebenta sakin ang offer niyang imposible. Mega explain siya ng tungkol sa company nila, na ang product...